Intsik na miyembro umano ng transnational Chinese drug syndicate, nahulihan ng P8-shabu sa buy bust

Image capture of video by ABS-CBNImage capture of video by ABS-CBN

Isang Intsik na pinaghihinalaang miyembro ng transnational Chinese drug syndicate na nag-o-operate sa bansa ang naaresto sa isang buy bust operation sa Parañaque City kamakalawa ng gabi. Nasamsam mula sa suspek ang dalawang kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P8 milyon.

Ayon sa ulat ng Philstar, ang naaresto ay kinilalang si Niko Sy alyas Shi Yong Ming na pansamantalang naninirahan sa Malate, Maynila.

Sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Director Wilkins Villanueva na unang napagkasunduan ng suspek at ng isang PDEA agent na nagpanggap na buyer na gawin ang transaksiyon sa parking lot ng Harrison Plaza sa Maynila, pero sa ‘di malamang dahilan ay binago ng suspek ang lugar at sinabing sa Macapagal Boulevard, malapit sa Solaire Casino Hotel sa Parañaque City, na lang gawin ang bentahan ng shabu.

Dinakma ng mga nakaantabay na PDEA agents si Sy nang aktong inabot nito ang isang kilong shabu sa poseur buyer. At nang halughugin ang kotse ng suspek, isang kilong shabu pa ang natagpuan doon at P250,000 cash. Nasamsam din ang ilang pirasong ID ng suspek na iba-ibang pangalan ang gamit.

Nagsasagawa ng follow-up operation ang PDEA upang tugisin ang iba pang kasamahan ng suspek.

 

Source :

Philstar, ABS-CBN