Isa kang huwaran! Guwardiya nagsauli ng bag na may lamang P400K, pabuya ‘di rin tinanggap

Image from Royce Cabunag's Facebook postImage from Royce Cabunag's Facebook post

MAYNILA, Pilipinas – Isang security guard ang umaani ng papuri ngayon sa social media dahil sa kaniyang natatanging katapatan.

Sa Facebook post ng netizen na si Royce Cabunag, ikinuwento nito na isinauli ni Ronald Llaneta, tubong Atimonan, Quezon at roving guard mula sa kompanyang  M&S Security Agency, ang isang bag na may lamang P410,000 na cash at iba pang mahahalagang gamit.

Tumanggi rin umano si Llaneta na tanggapin ang pabuyang pera na ibinibigay ng may-ari ng bag at sinabing ginagampanan lamang niya ang kaniyang trabaho.

“Our roving guard Mr. Ronald Llaneta of M&S Security Agency returned Php410,000.00 in cash and other valuables. He also refused a thousand bills as reward and said he was just doing his job,” ani Cabunag sa kaniyang post.

“Let’s make his wife, 2 y.o. son, mom and 5 older siblings and other relatives from Atimonan, Quezon proud and make him a pinoy hero even for just a day,” dagdag pa nito.

Maraming netizen ang humanga sa ipnakitang katapatan ni Llaneta dahil hindi nito pinag-interesan ang malaking halagang napulot.

Nag-viral naman ang post ng netizen at mayroon an itong mahigit 1,800 shares at mahigit 4,000 reactions.

Source :

Facebook