James, Nadine, ibinahagi ang kanilang ‘intimate tub photo’

Imahe mula sa Instagram ni James Reid

Nag-trending ang intimate tub photo ni Nadine at ng boyfriend na si James Reid nitong Sabado, ika-20 ng Mayo.

Ibinahagi ni Reid sa kaniyang Instagram account ang kanilang intimate tub photo ng kasintahan na may caption na:  “I like what you’ve done to me.”

🎶 ooh I like what you've done to me #IL2LU

A post shared by James Reid (@jaye.wolf) on

Naibahagi ang larawan isang araw matapos ihayag ng FHM Philippines na si Nadine ang nangunguna sa taunang “Sexiest Women in the World” poll,  matapos maungusan sina Angel Locsin at Rhian Ramos.

Magtatapos ang poll sa Hunyo 1.

Noong 2016, nanguna rin si Nadine sa poll subalit natalo rin kay Jessy Mendiola. Ayon kay Nadine, wala umanong problema sa atensiyong natatanggap niya mula sa mga mambabasa ng naturang magazine.

🐯

A post shared by James Reid (@jaye.wolf) on

Lil photo shoot while waiting for our show in Cam Sur. Good day. ☀️

A post shared by James Reid (@jaye.wolf) on