Japanese national timbog sa drug raid sa Malate

Image from AFPImage from AFP

MAYNILA, Pilipinas  –  Arestado ang isang Japanese national sa ginawang raid sa isang hotel sa Malate, Maynila nitong nakaraang Biyernes.

Sangkot umano sa ilegal na droga ang suspek na nakilalang si Takahiro Yano.

Ayon sa ulat ng GMA News, naaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) si Yano sa loob ng CityState Tower Hotel. Narekober sa kaniya ang 10 pakete ng pinaghihinalaang shabu na nakatago sa isang lalagyan ng salamin at ‘sex enhancer pill’.

Hindi na umano pumalag ang suspek nang arestuhin ito habang kailangan pang magdala ng interpreter ng ahensiya para lamang maisilbi ang warrant of arrest sa supek.

Hinala ng mga awtoridad, maaaring sangkot din umano ang Hapones sa human trafficking. Bukod dito, may ilan ding pasaporte na narekober mula sa suspek.

Source :

GMA News