Jinggoy tinawag na ‘ipokrito’ ang CHR matapos itong surpresang bisitahin sa Crame

jinggoy

MAYNILA, Pilipinas  –  Sa halip na matuwa, tinawag ni dating Senador Jinggoy Estrada na ‘ipokrito’ ang Commission on Human Rights (CHR) matapos ang surpressang pagbisita sa kaniyang detention cell sa loob ng Camp Crame kamakailan.

Ayon kay Estrada, na kasalukuyang nakakulong dahil sa pagkakasangkot sa pork barrel scam, binisita sila ni Bong Revilla ng walong empleyado ng CHR nitong Biyernes para umano makausap sila at magsagawa ng inspeksyon.

“That really caught my ire!! Huh? I asked. Bakit ngayon lang kayo bumisita sa amin? Samantalang wala pang isang buwan si De Lima dito, nakapunta na kayo kaagad sa kanya. Kami tatlong taon na kami dito, ngayon n’yo lang kami pinuntahan? I admit I was already on top of my voice since I cannot take the alibis of these hypocrites,” ani Jinggoy sa kaniyang Facebook post.

“Nasaan kayo nung nakulong kami nung unang buwan? Alam n’yo ba kung paano kami tratuhin ng mga guwardiya namin? Alam n’yo ba na hirap na hirap kami dito? Samantalang, wala pang isang buwan si De Lima dito, nandiyan na kayo, to the rescue, halos i-broadcast ninyo sa media ang kalagayan ni De Lima. I reminded them that we too were incumbent senators at that time,” dagdag pa ng dating mambabatas.

Wika pa ng mambabatas, halos tatlong taon na sila sa kulungan, subalit wala man lang bumisita sa kanila mula sa CHR. Hinala niya rin, maaaring nandoon lamang ang CHR dahil kay De Lima, na nakakulong din sa Crame.

Posible umanong napag-utusan lamang ang mga taga-CHR na bisitahin siya para ikumpara ang kaniyang sitwasyon sa sitwasyon ni De Lima.

“I was informed later that day that most of those who visited us were appointees of De Lima. You BUNCH of hypocrites!! Try visiting us again and I will give you the same tongue-lashing and dressing down that you guys in CHR deserve!!” galit pa wika ng dating mambabatas.