Judy Ann Santos, may pangamba sa kanyang pagbabalik telebisyon?

Imahe mula sa PinoyExchangeImahe mula sa PinoyExchange

Bagama’t excited sa kanyang pagbabalik-telebisyon sa ABS-CBN ang tunay na TV-Drama Queen na si Judy Ann Santos, hindi rin niya maiwasang mangamba kung kilala pa ba siya ng mga manonood lalo na ang mga kabataan sa henerasyong ito.

Sa kanyang interview sa “Tonight with Boy Abunda”, narito ang mga naging pahayag ni Judy Ann: “May mga moments din naman ako na parang, ‘Makakabalik pa ba ako? Kilala kaya ako ng millennials? Paano ba ito?’ I have doubts with myself. I have doubts with my skill. Kumbaga, minsan nandoon ka sa posisyon kung paano ko ba ipapasok ulit ang sarili ko?”

Ilang taon ding hindi nakita sa limelight si Judy Ann matapos itong manganak sa pinahuli nilang baby ng asawang si Ryan Agoncillo. Nagdesisyon kasi siyang maging hands-on mommy sa kanilang mga anak. Kaya naman matagal itong hindi tumanggap ng bagong proyekto sa Kapamilya network.

Pero sa pagkakataong ito, hindi na nakatanggi pa si Judy Ann nang alukin itong maging host ng third-season ng “Bet On Your Baby”.

“Sana, makilala pa rin ako ng mga tao. Hindi man sa drama, pero sa ibang role naman. I want to showcase the other talent and skill that I have,” pagtatapos ni Judy Ann.

Isa itong game show na kinabibilangan ng mga mommies at ng kanilang mga cute na baby na dadaan sa iba’t ibang challenges. Swak ito sa mga gaya niyang mommy na may mga bibo at cute na cute na babies.

MALAPIT NA!

Magbabalik na ang cutest game show sa Philippine TV, ang Bet On Your Baby ngayong Sabado, May 13, 5:15PM  sa Linggo, May 14, 5PM!!