JV Ejercito, nagdadalawang-isip na sa pagsuporta kay Taguiwalo

Images from DFN Files

MAYNILA, Pilipinas  –  Nagdadalawang-isip na si Senador JV Ejercito kung susuportahan pa ang kumpirmasyon ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Judy Taguiwalo dahil sa naging kritisismo ng huli sa Commission on Appointments (CA) kamakailan.

Matatandaang ipinahayag ni Taguiwalo sa kaniyang Facebook ang pagkadismaya ng kalihim sa patuloy na pagkaantala ng kaniyang kumpirmasyon.

“It is not clear as to why the CA should continue to delay this process of confirmation or non-confirmation if such is their wish. What is clear is that all this has the effect of torture on me,” ani Taguiwalo.

Dahil dito, pinag-iisipan na ni Ejercito kung babawiin niya ang suporta sa kalihim dahil sa ginawa nitong pahayag laban sa CA. Dagdag pa ng senador, hindi lamang umano siya ang nagdadalawang-isip ngayon kundi pati ang iba pa niyang mga kasamahan.

Matatandaang nagbanta rin si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na babawiin niya ang suporta kay Taguiwalo dahil sa ipinakita nitong ‘ugali’.

“Kung ganyan ang attitude ng nominee or appointee, while I already manifested my support, baka magbago ang isip ko dahil sa lahat ng ayaw ko, pine-pressure ako either way,” wika ng Lacson. “Naghahanap siya ng boto, dapat she should behave. Hindi ‘yung parang nananakot o nag-i-intimidate, ‘wag ganun.”

Muling babalik sa Senado sa Miyerkules sa susunod na linggo sina Taguiwalo at Health Secretary Health Secretary Paulyn Ubial para sa nabinbing pagdinig dahil sa kakulangan ng oras.