Kahanga-hanga: Armless man, patuloy pa ring inaalagaan at pinapakain ang Inang paralisado

Image capture of video via You Tube

Marami sa atin na kapag nagkaroon na ng sariling pamilya ay tila nakaliligtaan na ang responsibilidad sa mga magulang. Bukod kasi sa pagiging abala sa trabaho o kanya-kanyang gawain sa buhay, sa sariling pamilya na rin nakatuon ang pansin ng iba.

Nakalulungkot ding isipin na sa kabila ng sakripisyo ng mga magulang, may mga anak pa rin na handang talikuran ang sariling magulang at hindi marunong tumanaw ng utang na loob.

Samantala, lubos na kahanga-hanga ang isang lalaki sa bansang Thailand na nagpamalas ng pagmamahal sa magulang; na sa kabila ng mga putol na kamay, nagagawa pa rin nitong alagaan at pakainin ang paralisadong ina.

Sa mga larawan at video na ipinost ng isang netizen sa Facebook, makikita kung gaano alagaan at ipadama ng isang lalaki ang pagmamahal nito sa ina na bukod sa matanda na ay paralisado pa ang buong katawan.

Maraming netizens ang naantig ang puso at humanga sa dedikasyon at pagmamahal na ipinakita nito sa sariling ina.

“He is such a loving and caring son. Despite being armless, he manage to take care and feed his mother on his own. Salute to this guy!” anang isang netizen.

“I really admire him. Despite his own condition, he’s still willing to take care of his mother. This is really inspiring!” dagdag naman ng isa pa.

Panoorin ang video na ito: