Kalahating sako ng marijuana nakumpiska sa Bulacan, menor de edad kabilang sa mga naaresto

Image capture of video by GMA News Image capture of video by GMA News

Arestado ang limang suspek, kabilang ang isang menor de edad matapos magsagawa ng isang buy-bust operation ang mga awtoridad sa Barangay Guyong sa Sta. Maria, Bulacan.

Sa ulat ng GMA, ginawa ng pulisya ang pagsalakay sa bahay ng isa sa mga suspek matapos makabili ang isang pulis na nagpanggap na buyer ng isang teabag na marijuana. Naaktuhan pa ng mga awtoridad na nagre-repack ng marijuana ang mga suspek.

Narekober ng mga pulis ang kalahating sako ng marijuana na aabot sa 25 kilo ang timbang at tinatayang nagkakahalaga ng halos isa at kalahating milyong piso. Nasamsam din mula sa mga suspek ang ilang timbangan at drug paraphernalia. Nanggaling umano sa Mountain Province ang marijuana na ibinebenta ng mga naaresto.

Ang limang suspek ay nasa ilalim na ng kustodiya ng Sta. Maria PNP.

 

Source :

GMA Network