Kathryn sa bashers ng pagda-Darna niya: ‘Di lahat ng opinions makatutulong sa atin, do’n tayo sa good criticisms

Imahe mula sa Facebook

Bagama’t hindi pa pormal na inaanunsyo kung si Kathryn na nga ba talaga ang gaganap sa role ng Pinay superhero na si Darna, kabi-kabilang bashing na ang natatanggap ng aktres mula sa mga naniniwalang may ibang mas karapat-dapat pa na gumanap sa nasabing role.

Gayunman, hindi nagpapaapekto sa mga kritisismo ang Kapamilya actress.

“Okay lang naman na magbigay ng opinyon, lahat tayo puwede naman. Depende na lang sa atin kung paano mo siya iha-handle,” malumanay na wika ng aktres, ayon sa PEP.

Para kay Kathryn, ang mga opinyon na dapat intindihin ay iyong mga magagamit ng tao upang mas lumago.

“‘Di lahat ng opinions makakatulong sa atin so doon tayo sa good criticisms. Criticisms na mapapa-improve ka. Tumatanda ka nang kaunti, mas alam mo nang i-handle. Mas kilala mo na ang sarili mo, mas alam mo na kung ano ang bibigyan mo ng atensyon. Hayun, tumanda nang kaunti,” aniya.

Kamakailan ay lumabas sa ilang pahayagan na isang “source” ang nagkumpirma na si Kathryn na ang gaganap na Darna bilang kapalit ng unang napili para sa role na si Angel Locsin. Ayon dito, maghihiwalay muna silang dalawa ng ka-loveteam niyang si Daniel Padilla.

Ang plano, si Daniel ay itatampok muna sa isang pelikula kasama sina Vice Ganda at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach habang si Kathryn naman ay sa Darna. Pareho umanong isasali ang kani-kanilang pelikula sa Metro Manila Film Festival.

Gayunman, hanggang ngayon ay wala pa rin daw natatanggap si Kathryn na offer.

“Wala pa talagang offer, marami rin kasing iko-consider… Saka ‘di ko alam kung tama ba ang age ko for that, marami pang puwedeng mangyari. Basta, kung sinuman ang magiging next Darna, sobrang magiging special siya. At dapat pangalagaan niya,” wika ng 21-anyos na aktres.

Nauna nang inanunsyo ng ABS-CBN at ng Star Cinema na hindi na ang aktres na si Angel Locsin ang gaganap bilang Darna sa bagong movie version nito. Panoorin:

Source :

PEP, Balita, YouTube