Katy Perry, umani ng batikos dahil sa Obama joke

Mga imahe mula sa FacebookMga imahe mula sa Facebook

Umani ng matinding batikos ang mang-aawit na si Katy Perry kaugnay sa kanyang biro patungkol sa dating pangulo ng Amerika na si Barack Obama.

Ayon sa Bombo Radyo, marami ang nag-react sa biro ni Perry na ikinumpara ang kanyang buhok kay Obama.

Sa isang Instagram Live kasi ni Perry, may isang fan na pumuna sa kanyang buhok at sinabing na-miss niya ang dating mahaba at kulay itim na buhok nito kumpara sa maikli at blonde hairstyle nito ngayon.

Mabilis naman itong sinagot ni Perry at idinaan na sa biro ang lahat.

“Oh, someone says, ‘I miss your old black hair,’” saad niya.

Ngunit ginawa niya ito sa harap ng camera na may sarkastikong tono.

“Oh, really? Do you miss Barack Obama as well? Oh, okay. Times change. Bye! See you guys later,” dagdag pa nito.

Hindi naging maganda sa mga kritiko ang dating ng kanyang pagbibiro. Anila, offensive ang naging komento ng 32-year-old “Teenage Dream” hitmaker na inilarawan pa ng iba na “tasteless” ang tangkang pagpapatawa nito.

Marami ang nagtaka sa ginawa ni Perry. Matatandaang isang vocal supporter ng mga Obama ang singer, na makailang ulit pang nagtanghalm sa rally ng dating pangulo sa kasagsagan ng 2012 campaign; maging sa White House reception para sa Special Olympics noong 2016.

Panoorin ang video at tingnan ang reaction ng publiko sa biro ni Obama: