Komedyanteng si Ai Ai delas Alas, dream pa ring magka-baby sa kanyang Fiancé

Imahe mula sa Enchos.com

“I will pray for it!’ ang masaya at positibong pahayag ng aktres na si Ai Ai delas Alas nang tanungin ito ng Inquirer kung dream din ba nito na magkaroon ng bagong anak sa kanyang boyfriend ng tatlong taon at ngayo’y fiancé na si Gerald Sibayan.

Dagdag pa ng 52-anyos na komedyante, may mga alternatibo na ring paraan ngayon para mabuntis ang isang babae. At open siya sa posibilidad na muling magbuntis sa kabila ng kanyang edad. Aniya: “I have prepared for that. Let’s go!”

Samantala, may tatlo ng anak si Ai Ai na ngayo’y malalaki na. Sina Sean at Sofia na anak niya sa kanyang unang asawa na si Miguel Vera. At si Sancho na anak niya sa sumunod niyang nakarelasyon.

Sa darating na Nobyembre 11 ngayong taon gaganapin ang kasal ni Ai Ai at Gerald sa Amerika. At sa susunod na taon naman ang church wedding sa Pinas.

Ani Ai Ai, simple lang diumano ang naging engagement party nila ni Gerald, gaya ng pagiging simple ng kanilang relasyon. Pati ang ibinigay na engagement ring ni Gerald sa kanya ay simple din.

“I was surprised. He saved up for it. He popped the question, because he felt it was the right time. Sinabi din niya sa akin na hindi na niya kayang isikreto ang kanyang plano,” paliwanag ni Ai Ai sa kanyang press conference sa bago niyang pelikula na “Our Mighty Yaya” na ipalalabas sa mga sinehan sa Mayo 10. “Akala ko nagjo-joke lang siya nung sabihin niya noon na bibili siya ng singsing,” dagdag pa niya.

Sa kabilang dako, hindi naman nagtagal ang kasal nila noon ng kanyang pangalawang asawa na si Jed Salang noong 2013. Nagtagal lamang ito ng isang buwan dahil diumano sa pang-aabusong natamo niya sa dating asawa. At ayon pa sa kanya, ibang-iba daw ito sa kanyang fiancé na si Gerald na 30 years ang agwat niya rito.

“This one came naturally. The previous one, I admit, pinilit ko ‘yun, e. Marami akong gustong ipaglaban at patunayan. But I’ve realized that what started out wrong would likely end similarly,” pagtatapat pa ni Ai Ai na walang pag-aalinlangang tinanggap agad ang wedding proposal sa kanya ni Gerald.

Sa pelikulang “Our Mighty Yaya” na isang Mother’s Day offering ng direktor na si Jose Javier Reyes, gagampanan ni Ai Ai ang role ni Virgie na isang ina na iniwan ang kanyang sariling pamilya upang magtrabaho bilang isang yaya sa siyudad.

May isang reporter ang nagtanong kung may pagkakataon din daw ba na umaakto rin siyang parang yaya ni Gerald. At narito ang honest na sagot ni Ai Ai: “No. He grew up to be an independent person. But he loves it when I pamper and take care of him.”