Lalaki, nag-viral dahil sa hiling na i-unfriend siya ng isang babae sa FB para ‘di masaktan ang kanyang GF

Mga imahe mula sa Facebook

Naging viral sa social media ang isang lalaki matapos nitong hilingin sa isang babaeng Facebook (FB) friend na i-unfriend siya nito — dahil magagalit umano ang kanyang girlfriend kapag nalaman na nag-add siya ng babae sa nasabing social networking site.

Sa kanyang Facebook account, ibinahagi ni Jahz Navarra ang screenshot ng conversation ng kanyang boyfriend na si JM Prudente sa bago nitong FB friend na babae.

He’s the ‘unfriend mo na ko, magagalit GF ko’ in this world full of ‘text mo na lang ako, baka makita ng GF ko,’” ani Navarra sa caption ng screenshot na ibinahagi niya.

Hiningi ni Prudente na alisin siya ng babae sa listahan ng friends nito. Paliwanag niya, matagal na noong i-add niya ito at hindi raw ikatutuwa ng kasalukuyan niyang kasintahan kapag nalaman nito na nang-add siya ng babae sa FB.

“Ate puwede po favor? Puwede po bang pa-unfriend na lang po ako. ‘Yong add ko po sa inyo, matagal na. Sorry po, ‘yong girlfriend ko po kasi alam kong magagalit ‘pag nalaman na nang-add ako ng babae. ‘Di po ako makapag-unfriend kasi naka-data lang po ako. Alam ko pong hindi ako kaguwapuhan para mag-unfriend-unfriend. Ayoko lang po talaga malungkot girlfriend ko. Thank you po sa pag-intindi,” wika ni Prudente.

Sumagot naman ang babae

“Sure, no problem. Suwerte sa ‘yo ng girlfriend mo. God bless sa relationship ninyo,” aniya.

Agad na nagpasalamat si Prudente sa dalaga.

“No problem. Sige, unfriend na kita,” tugon ng babae.

As of posting, umabot na sa mahigit 15,ooo ang shares na nakuha ng screenshot na ibinahagi ni Navarra at mayroon na rin itong mahigit 13,ooo na reactions. Marami ang nagsabi na mapalad daw ang dalaga dahil nakatagpo ito ng isang lalaking tapat sa karelasyon at mapagkakatiwalaan.

Source :

Facebook