Libreng Wifi Connection, Abot-kamay na ng mga Pinoy

Public domainPublic domain

Malapit nang magamit ng mga Pilipino ang libreng ‘wifi connection’ sa mga pampublikong lugar matapos lumusot ng panukalang batas sa umano’y pagkakaroon ng ‘free wifi connection’ sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Kamara.

Lalagyan ng libreng wifi connection ang mga tanggapan ng pamahalaan hanggang sa local government units (LGUs) at sa mga pampublikong lugar, ayon sa House bill 5225 ng Kamara.

Ang nasabing panukala ay inaprubahan na ng Senado noong Marso kung kaya’t malapit na itong maging ganap na batas sa umano’y pagpasa nito sa Kamara, saad sa ulat ng Abante.

Iginiit naman ni Kabataan partylist Rep. Sarah Elago, dapat paspasan ang paglalagay ng libreng wifi sa oras na ito ay maging batas. Paliwanag niya, ito ay upang magamit agad ng taumbayan at makatulong sa pag-aaral ng mga kabataan.

Dagdag pa ni Elago, hindi rin sapat na magkaroon ng libreng wifi. Aniya, dapat tiyakin na malakas at mabilis ang nasabing  internet connection.

Source :

Abante, Facebook