Lito Lapid, John Arcilla at Sid Lucero at iba pa, mga bagong tauhan sa bagong kabanata ng FPJ ‘Ang Probinsiyano’

Imahe mula sa Dreamscape Instagram account

Muling bibigyang kulay ang gabi ng mga Filipino sa panonood ng teleseryeng FPJ ‘Ang Probinsiyano’ na pinangungunahan ni Coco Martin. Ito’y matapos ihayag ng Dreamscape ang mga bagong tauhan sa bagong kabanata ng naturang teleserye.

Inihayag nitong ika-18 ng Mayo na magiging bahagi ng teleserye sina Lito Lapid, Sid Lucero, at John Arcilla.

Another chapter soon. #FPJAP

A post shared by Dreamscape PH (@dreamscapeph) on

Ang dating Senador na si Lapid ay gumanap na sa maraming action films at huling napanood sa TV noong 2013 sa teleseryeng ‘Little Champ.’ Samantala sina Lucero at Arcilla ay mula sa katapat na fantasy series na ‘Encantadia’ ng GMA 7.

Sina Angel Aquino, Ejay Falcon, “It’s Showtime” host Jhong Hilario, komedyanteng sina Long Mejia at Pokwang, at seasoned comic-singer Mitch Valdes ay magiging bahagi rin ng FPJ ‘Ang Probinsiyano.’

A new family awaits. #FPJAP

A post shared by Dreamscape PH (@dreamscapeph) on

Nagpahayag naman ng pagkagalak si Valdez sa social media; aniya: “Yes, I’m finally doing a teleserye!”

Base sa larawan ng Dreamscape, kabilang pa rin sina Awra Briguela at Yassi Pressman na gumaganap bilang love interest ni Coco Martin.

Ang “Ang Probinsyano” ay extended hanggang Enero 2018.