Luis Manzano, nagtamo ng fracture sa kaniyang kanang paa

Imahe mula sa Instagram ni Luis ManzanoImahe mula sa Instagram ni Luis Manzano

Nagtamo ng fracture sa kaniyang kanang paa ang Kapamilya host na si Luis Manzano matapos magkamali ng tapak sa isang mataas na sidewalk.

Nitong Huwebes ng hapon, Mayo 18, ibinahagi ni Luis sa kanyang Instagram account ang larawan niyang nakaupo sa wheelchair matapos matamo ang pinsala sa paa.

Nakasaad sa caption ng larawan: “Gusto ko sanang sabihin na sprain ako dahil may mga tinulungan ako sa nasusunog na building kaso ang totoo, namali lang ako ng tapak mula sa mataas ng sidewalk.”

Dagdag pa niya,  pansamantala siyang mawawala dahil sa posibleng operasyon sa kaniyang paa.

Gayunpaman kaniya namang tiniyak sa mga  fans na: “Huwag kayong mag-alala, hindi naapektuhan kagwapuhan ko. Relax.”