Mag-asawang Chito Miranda At Neri Naig, May Nakakatawang Karanasan Noong Mothers’ Day; Alamin!

mga imahe mula sa Instagram

Kamakailan lamang ay ginunita ng mga Pilipino ang Araw ng mga Ina noong Linggo, Mayo 14, 2017. Kanya-kanyang paraan ang bawat anak at haligi ng tahanan sa pagpaparamdam ng kahalagahan ng kani-kanilang mga ina at asawa tulad ng pamamasyal, pagpapaayos ng buhok, pagpapamasahe, pagtungo sa spa, at ang tipikal na pagkain sa labas.

Isa sa mga hindi nagpahuling celebrity sina mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig dahil unang beses pa lamang magdiwang ni Neri ng Mothers’ Day bilang ina, nagpareserve ang kanyang mister na si Chito sa Antonio’s Restaurant. Kapwa nag-post ang mag-asawa sa kanilang mga Instagram account sa detalye ng “nakakatawang” karanasan ng dalawa sa nasabing restaurant.

Makikita sa Instagram post ni Chito na nabigla siya sa nakitang presyo ng mga pagkain sa naturang restaurant.

Dahil 1st time ni Neri mag-celebrate ng Mother’s Day, I wanted to prepare something special.
I ordered some flowers and made reservations dito sa Antonio’s.
Nung nakita namin yung menu, napa-order ako agad ng tubig.
Una, dahil muntik na ako himatayin.
Pangalawa, kasi yun lang yung kaya ko ma-afford.
Nakakahiya naman mag-back out kasi last week pa ako nagpareserve.
Di ko naman masabi na “sorry…di kami makakapunta” kasi nandito na kami.
Napahawak nalang ako sa wallet ko…tapos sa dibdib ko.
Tapos tinanong ko si Neri kung magkano yung benta nya kanina sa ukay at tuyo.
#TheMisadventuresOfChitoAndNeri

Samantala, nagpost din si Neri ng kanyang komento sa kanyang Instagram account.

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on

Itsura ng ka-date ko parang napasubo ah! Haha!
Nagpa reserve siya sa Antonio’s para dito daw kami magcelebrate ng Mother’s Day, yung nakita nya ang menu, jusmiyo! Hahaha! Napa inom na lang siya ng tubig, haha!
Itsura ng asawa ko parang nagko-compute kung magkano yung babayaran nya at kung kasya yung dala nyang pera. Hahahaha!
Pero kahit Mother’s Day ngayon, gusto ko ako naman ang magtreat sa asawa ko. Para malaman nya na naa-appreciate ko lahat ng ginagawa niya para sa akin at para sa anak namin. Sana mabasa niya na ‘to para makahinga hinga naman siya at makakain na ng maayos, hahaha!cx21y2345

 

Ikinasal sina Chito at Neri noong 2014 at biniyayaan ng first baby boy noong 2016.