Maria Ozawa ipinakita ang galing sa paghawak ng baril

Image from Maria Ozawa's Instagram post

MAYNILA, Pilipinas  –  Humanga ang mga netizen sa ipinakitang galing sa paghawak ng baril ng Japanese aktres na si Maria Ozawa.

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Ozawa ang larawan at at video kung saan makikita itong nagpapaputok ng isang mahabang armas.

Ayon sa Bombo Radyo, kuha umano ang naturang video sa isang firing range sa Cebu kamakailan.

Pinayuhan naman si Ozawa ng kaniyang mga tagahanga na mag-ingat sa pagpapaputok ng baril at kung maaari ay gumamit ito ng goggles. Sabi naman ng ilan, dapat umanong huwag ipikit ng aktres ang kaniyang mga mata kapag nagpapaputok ito.

Ganunpaman, ‘good job’ pa rin ang sabi ng karamihan.

Matatandaang inamin kamakailan ni Ozawa ang kaniyang relasyon sa Filipino-Spanish chef at aktor na si Jose Sarasola. Hindi naman malaman kung kasama ng aktres ang kaniyang nobyo sa Cebu.

Panoorin:

My face though … #whenincebu #mariatravels #gunrange

A post shared by Maria.Ozawa (@maria.ozawa) on