Matapat na driver, ipinagmamalaki ngayon sa Koronadal City sa pagsasauli ng bag na may lamang malaking halaga

Public Domain

Honesty is the best policy!

Kahanga-hanga ang katapatang ipinamalas ng isang driver na nagsauli ng isang bag na pagmamay-ari ng isang retiradong guro na naglalaman ng  P11,000, sa Koronadal City.

Ang driver ay kinilalang si Marciano Rimando Jr. na tubong  Barangay San Isidro, Koronadal City.

Ayon sa ulat ng Brigada News, hindi nagdalawang isip si Rimando na ibalik ang bag sa may-ari lalo na’t malaking halaga ang nasa loob nito nang mapulot  ang bag sa Arellano Street, Barangay Zone 3.

Lubos naman ang pasasalamat ng may-ari ng bag na si Jorge Cadiao Sr.; isang retiradong guro sa katapatang ipinamalas ng driver. Aniya, ang pera’y gagamitin niya sa pagpapaayos ng bahay ng kanyang anak.

Si Cadiao ay umaasa na marami pa ang katulad ni Rimando na matapat at mabuting tao. Napag-alaman na si Rimando ay 20 taon nang driver.

Tunay na kahanga-hanga ang katapatang ipinamalas ni Rimando sa kabila ng masamang kinasasangkutan ng ilang mga driver sa bansa.

Source :

Brigada News