Mayweather Jr., Interesadong Makabili ng Koponan sa NBA; Nakipag-usap kay Magic Johnson

Larawan mula sa post ni floydmayweather via Instagram account

Interesado si US boxing champion Floyd Mayweather Jr. na makabili ng share sa koponan sa National Basketball Association (NBA) kung kaya’t nakipagpulong ito kay Los Angeles Lakers president of basketball operations Magic Johnson.

Napag-usapan nina Mayweather at Johnson ang planong pagbili ng ‘shares’ sa koponan, saad sa ulat ng Bombo Radyo.

Just had a great meeting with @magicjohnson. It's about time for me to buy an NBA team. if you're ready to sell your NBA team, please get in touch with me. #TMT #Michigan #LivingLegends #Businessmen

A post shared by Floyd Mayweather (@floydmayweather) on

Nanawagan din si Mayweather sa iba pang may-ari ng koponan ng NBA na kung gusto nilang magbenta ng kanilang koponan ay makipag-ugnayan sa kaniya.

Si Mayweather ay may kabuuang kita na $700 milyon sa kaniyang buong boxing career mula sa kaniyang 49 na laban.

Ayon naman sa Forbes, si Mayweather ay mayroong $340 milyon na net worth base noong 2016.