Mga Bading, sentro ng kampanya laban sa HIV sa Ilo-ilo City

larawan mula sa Google Image

Maging epektibo kaya ang kanilang plano?

Ang mga homosexual ang sentro ng  kampanya ng bawat barangay ng Ilo-ilo City laban sa Human immunodeficiency Virus (HIV).

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Liga ng mga Barangay President Reyland Hervias, nararapat umanong tutukan ang mga bading na palaging nabibiktima ng HIV, kahit pa hindi lahat ng barangay ay may kaso ng HIV.

Dagdag pa ni Hervias, mahalaga ang edukasyon at pagpapaliwanag sa mga bading hinggil sa masamang epekto ng lalaki sa lalaking pakikipagtalik na nagreresulta sa pagkalat ng HIV.

Magsasagawa umano ng random check si Hervias  sa mga barangay upang iparating sa mga bakla ang awareness campaign upang  mapigilan ang pagtaas ng kaso ng HIV at iba pang sexually transmitted diseases (STD).

Napag-alaman na isang maritime student ang huling pumanaw sa Iloilo matapos nitong makipagtalik sa kasintahan nitong bakla na positibo sa Acquired Immune Deficiency Syndrom (AIDS).

Ayon sa Department of Health, 968 bagong kaso ng HIV ang naitala nitong Marso, at ito’y pinakamataas simula noong 1984. Sa naitalang  968, 108 dito ay nauwi sa AIDS.