Mga casino ng Pagcor, ibebenta na ng gobyerno

Image from Calvin Ayre

MAYNILA, Pilipinas – Tuluyan nang ibebenta ng gobyerno ang mga casino na ino-operate ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) sa bansa; ito ang sinabi no Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez III.

Isa sa ibinigay na dahilan ng kalihim ay hind na umano kayang makipagsabayan ng mga casinong pag-aari ng pamahalaan sa mga nagsusulputan na pribadong casino.

“If our casinos were to replace a glass that’s broken, I think it will take ages as compared to what Okada and Solaire can do. It’s better to move out of casino operations,” paliwanag ng opisyal sa ginanap na ika-50 taunang pagtitipong ng Asian Development Bank sa Japan.

Bukod dito, maiiwasan na rin umano ng ‘conflict of intereest’ ng gobyerno sa pagpapatakbo ng mga nasabing establisimiyento.

“And secondly, of course, it will remove the conflict of interest when you are the regulator as well,” dagdag pa ng kalihim.

Subalit inamin din ng kalihim na wala pa siyang natatanggap na alok mula sa mga pribadong organisasyon dahil kailangan pa nilang ayusin ang proseso ng ‘privatization’ ng negosyo.

“You have to set out the terms, then people will come. Of course, we will make it attractive since we do want to raise the revenues from this and remove the conflict that’s ongoing and existing,” paliwanag pa ni Dominguez.