Miyembro ng Kadamay na Nag-okupa sa Pabahay ng  Gobyerno sa Bulacan, Arestado sa Paggamit ng Iligal na Droga

Imahe mula sa video ng GMA via You TubeImahe mula sa video ng GMA via You Tube

Arestado ang isang miyembro ng Kalipunang Damayan ng mga Mahihirap (Kadamay) matapos mahuling gumagamit ng iligal na droga sa Barangay San Roque sa Pandi, Bulacan, nitong Mayo 3.

Ayon sa ulat ng GMA, ang suspek ay kinilalang si Michael Morillo, isa sa mga miyembro ng Kadamay na nag-okupa ng mga bakanteng pabahay ng gobeyerno sa Pandi, Bulacan nitong Marso.

Naudyukan dahil dating may ano din sa katawan dahil nga sumuko… Parang hinahanap-hanap din, titikim ako, ayon na,” ani Morillo. Dagdag pa niya,  binili niya ang shabu sa halagang P200.

Lalong magiging mahirap. Mahirap na nga magdodroga pa. Sayang ang pinaghirapan nila. Sabi niya naghahanap-buhay siya tapos dinadala sa iligal na droga lamang,” ani Senior Insp. Michael Rey Bernardo, deputy chief ng Pandi police.

Ilan sa mga nasamsam sa suspek ang mga paraphernalia at  identification cards na kaniyang pagkakakilanlan bilang miyembro ng Kadamay.

Ayon din sa ulat, si Morillo ay mahigit dalawang buwan ng miyembro ng Kadamay.

Ayon kay Kadamay chairperson Gloria Arellano, tinitignan nila ang posibilidad na alisin si Morillo sa kanilang hanay.

“Hindi ho namin kinukunsinti ‘yung ganyan. Pero ‘yan ay hindi na po ano ng organisasyon po ‘yan eh. Kung tutuusin, isolated case nga po ‘yan,” ayon kay Arellano.

Samantala, apat pang drug suspek ang inaresto sa loob ng pabahay na ibinigay ng gobyerno.

Ang mga suspek ay sasampahan ng kaukulang kaso.

Panoorin ang video na ito mula sa GMA:

 

Source :

You Tube, GMA