Mukhang zombie na 14-anyos, itinago ng magulang sa bahay simula kapanganakan, nailigtas ng mga awtoridad

public domain

Responsibilidad ng mga magulang na alagaan at palakihin nang maayos ang kanilang mga anak. Paano kaya kung sila mismo ang magpabaya sa kanilang mga anak?

Isang 14-anyos na lalaki ang nakalaya  mula sa kaniyang ‘tahanan’ sa Jerusalem na nagmistulang kaniyang kulungan simula pa noong kanyang kapanganakan.

Sinaklolohan ng mga pulis ang bata at ibinigay na rin sa pangangalaga ng social services; habang inaresto  ang mga magulang na diumano’y nagmamalasakit lang daw sa kalusugan ng kanilang anak.

Ayon sa  ulat ng Jerusalem Post, humingi ng tulong sa awtoridad ang social services sa Hadera, matapos ialerto ng isang kapitbahay ng pamilya hinggil sa umano’y batang nakita niya sa bintana na tila mukhang “zombie” tulad ng nasa isang pelikula

His eyes seemed to be saying, ‘Help me’, so I decided I had to do something,” ayon sa panayam kay Waknin. Dagdag pa nito, napabayaan na ang bahay ng pamilya at may hindi kanais-nais na amoy na nagmumula rito.

Napatunayan naman ito umano ng Municipality workers at mga police nang rumesponde sila sa panawagan ng kapitbahay. Nang pasukin nila ang apartment, sa pamamagitan ng pagdaan sa isang bintana, tumambad sa kanila ang santambak na kalat at basura na siyang pinagmumulan ng masangsang na amoy.

Giit naman ni Dan Guilad, abugado ng mga magulang ng bata, binibigyan lamang nila ng proteksiyon ang kanilang anak na may problema sa kalusugan.

Salaysay naman ng bata sa mga awtoridad na pinalalabas  naman siya sa bakuran ng kanilang apartment building dalawang beses kada buwan basta’t kasama ang kanyang magulang. Nagaganap nga lamang ito tuwing gabi.

Hinihintay na lamang ng Labor and Social Services Ministry ang ‘full assessment’ sa pisikal at mental na kalagayan ng bata upang malaman ang kanyang kondisyon. Gayundin, sinusuri pa ang kakayahan ng ibang miyembro ng pamilya na alagaan siya at mabigyan ng kanyang mga pangangailangan.