Nanay na OFW, Minura at Binastos ng Anak Na Lalaki Habang Ka-Chat Sa Facebook; Alamin!

imahe mula sa Trending News Portalimahe mula sa Trending News Portal

Itinuturing na mga bagong bayani ang Overseas Filipino Workers o OFW dahil sa kanilang pagsasakripisyo, pagtitiyaga at pagtitiis na mawalay at mapalayo sa kani-kanilang mga kaanak makapagtrabaho lamang sa ibang bansa upang mabigyan ng mas maganda, masagana at maginhawang pamumuhay ang kanilang mahal sa buhay.

Dahil sa makabagong teknolohiya, kahit paano’y naiibsan ang lungkot at pangungulila ng mga OFW lalo’t sa isang click lamang ay agarang makikita at makakausap ang mga naiwan sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga social media platform tulad ng Facebook. Sinasabing napakahirap maging OFW lalo’t kailangang makisama sa iba’t ibang uri ng tao at lahi.

Viral ngayon sa social media ang usapan sa Facebook messenger ng isang inang OFW at ng kanyang anak na lalaki. Minura ng anak na lalaki ang kanyang ina dahil hindi ito makapagpadala sa kanya ng sustento dahil sa kinakaharap na sitwasyon ng ina. Nagpakilala ang “concerned netizen” na nag-share nito sa Facebook na hindi niya sinasadyang mabuksan ang Facebook account (na hindi binanggit kung sa ina o sa anak) at maawa sa inang OFW.

“I want to share this photo. Kasi naawa ako sa Ina niya na nagpapakahirap sa ibang bansa pero ginaganyan niya. Ps-Hindi po sa akin yan. Kasi inopen ko fb niya tapos ganon na lang mababasa ko. Sorry kung nakealam ako,” pahayag ng uploader.

Nagsimula ang usapan ng mag-ina nang tanungin ng ina kung nasaan ang kanyang anak. Sumagot ang kanyang anak na siya ay nasa bahay lamang. Binilinan niya ang kanyang anak na magpapadala na siya ng pera kaya’t maghintay lamang ito.

Maya-maya, ipinaalam ng ina na ayaw ibigay ng kanyang amo ang kanyang sweldo kaya baka hindi muna siya makapagpadala. Sumagot ang anak na siya ay nasa isang shop na at kailangan niyang magbayad agad.

Sinabi ng ina na hindi siya maaaring lumabas sapagkat baka “makulong siya.”

At ang sumunod na sagot ng anak ay maaaring hindi inasahan ng ina.

“Nakaka ilan bukas kana ba? T*ngnamo. wag kana sakin magpadala hayop k.”

Makikita rin sa mga sumunod na mensahe ng ina sa kanyang anak na nasaktan ito sa mga sinabi nito at ni hindi man lamang daw naisip ng anak kung gaano kahirap maghanapbuhay sa ibang bansa. Dagdag pa, hindi rin binati ng anak ng ang kanyang ina noong Mothers’ Day.

Dito natapos ang usapan ng mag-ina, at walang paghingi ng paumanhin na ginawa ang anak.