Net worth ni Robredo bumaba ng P2.1-M

Image from DFN FilesImage from DFN Files

MAYNILA, Pilipinas  –  Bumaba ng mahigit P2-M ang networth ni Vice Presdient Leni Robredo sa loob lamang ng anim na buwan ng kaniyang panunungkulan sa gobyerno.

Ayon sa kopya ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) na lumabas ngayong Martes sa mga pahayagan, bumaba ang net worth ni Robredo mula  P11,053,138 noong Hunyo 2016 bago siya umupo sa puwesto hanggan P8,878,111.43 na lamang noong Disyembre 2016.

Lumalabas din sa SALN ng opisyal na bumaba ang kabuuang assets nito mula P17,953,138 hanggang P15,778,111.43 habang nananatili ang kaniyang liablities sa P6.9-M.

Bumaba rin ang cash assets ng Pangalawang Pangulo mula P11.115 million hanggang P8.94 million sa kaparehong panahon.

Ilan sa mga pag-aari na nakalagay sa SALN ni Robredo ay mga kasangkapan na nagkakahalaga ng P1.5-M, alahas na nagkakahalaga ng P100,000 at dalawang sasakyan (Toyota Innova at Toyota Grandia) na may kabuuang halaga na p2.873-M.

Mayroon ding 8 ari-arian na nabanggit sa SALN na nagkakahalaga lahat ng P1.735-M at karamihan nito ay nasa kanilang lugar sa Naga City.

Ang pagbaba ng net worth ng Bise Presidente ay taliwas naman sa net worth ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumaas ng P3.4-M sa unang 6 na buwan ng kaniyang panunungkulan.

Subalit ipinaliwanag na ng Pangulo na ang pagtaas ng kaniyang cash assest ay dahil sa mga campaign donation noong halalan na hindi naman niya alam kung kanino isasauli.