NPA, sangkot na rin sa kidnap-for-ransom – Opisyal ng militar

Image from NDFPImage from NDFP

Sangkot na rin umano sa kidnap-for-ransom ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA), ang armadong puwersa ng Communist Party  of the Philippines, ayon sa isang mataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa ulat ng Manila Bulletin, ang pahayag ay ginawa umano ni Maj. Gen. Benjamin R. Madrigal Jr., ang commander general ng Northeastern at Northern Mindanao 4th Infantry Division ng Philippine Army, matapos dukutin ng mga rebelde ang negosyanteng si  Carzon Ceasar C. Lademora sa bayan ng San Francisco sa Agusan del Sur noong ika-15 ng Mayo at manghingi umano ng ransom sa pamilya nito kapalit ng kanyang kalayaan.

Ani Madrigal, malinaw na nawawala na ang suporta ng taumbayan sa NPA at ngayon ay pinasok na nila ang kidnap-for-ransom activities.

Nanawagan din ang opsiyal sa mga negosyante sa lugar na magkaisa upang labanan ang mga terroristic activities ng mga rebelde.

Dapat na umanong matigil ang mga extortion activities ng mga NPA na tinawag ni Madrigal na “Godless.”