Opisina ni Sen. Ping Lacson nasa gusali na pag-aari ng isang mining firm – Gina Lopez

Image capture of video by ABS-CBN

May buwelta si Gina lopez, ang dating kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), sa dalawang senador  –  Senador Ping Lacson at Alan Peter Cayetano  –  na kapwa miyembro ng Commission on Appointments na bumoto laban sa kanyang appointment sa posisyon.

Ayon sa Bombo Radyo, una nang sinabi ni Lopez na ang pinakamalaking contributor ng pondo sa kandidatura ni Senador Peter Alan Cayetano noong tumakbo ito sa pagka-bise presidente ay isang miner.

Samantala, bagaman hindi pinangalanan ni Lopez ang miner, ibunyag niya na si Senador Ping Lacson ay nag-oopisina sa loob ng gusali na pag-aari ng nasabing miner.

Naniniwala umano si Lopez sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may kinalaman ang paggalaw ng “lobby money” kaya hindi siya nakalusot sa Commission on Appointments.

Dagdag pa ng dating DENR secretary, may kinalaman din ang ilang miyembro ng gabinete ng Pangulo sa pagkakaharang sa kanyang appointment sa nasabing ahensiya. Hindi naman niya pinangalanan kung sino ang mga iyon.