Pampasaherong jeep na may libreng videoke, pumapasada na; libreng pamasahe alok ni manong driver kapalit ng pag-awit

Imahe mula sa Matalinong Matsing Facebook PageImahe mula sa Matalinong Matsing Facebook Page

Libreng pamasahe na, nakakanta ka pa!

Nakaaaliw ang isang pampaseherong jeep na nag-aalok ng libreng pamasahe kapalit ng pag-awit mo sa videoke sa loob ng jeep.

Ito ang isang masayang karansan ng isang netizen na nakaranas mismo sa unang pagkakataon na makaawit sa videoke sa loob mismo ng pampasaherong jeep.

Ang naturang jeep ay biyaheng pa-Sucat na ayon sa netizen ay ikinukuwento lamang ito dati ng kaniyang ate. Nataon namang siya ang unang pasahero noong araw na iyon at pinakanta ito sa videoke kapalit ng pagbalik ng kaniyang pamasahe. Hindi naman siya nagdalawang-isip at tinanggap ang hamon ng manong driver.

Ang mga larawan ay ibinahagi mula sa Matalinong Matsing Facebook page na lubos na hinangaan ng mga netizens.

Ayon kay Kua Vin: “Ok yan. Pangpawala ng lungkot at init ng ulo sa mga pasahero lalo na pag bonggang bongga ang traffic.”

Para kay Rednahz Zerimla: “Iba talaga ang pinoy kapag mahal moh ginagawa moh hahanap ka talaga nang paraan para malibang.”

May ilan namang netizen na nababahala sa set up ng naturang jeep.

Ayon kay F-ren Alejandro:  “Delikado yan may posibilidad. Na madisgrasya yan gawa ng mawalan ng consentrasyon ang mamang driver sa pagmamaneho sa pakikinig ng malakas na videooke na yan.”

Kudos kay manong driver na lubos na nagmamalasakit sa knaiyang mga pasahero.

Source :

Facebook