[Panoorin] Aktuwal na Video ng Karahasan, Terorismo, Nakita sa Cellphone ni Abu Saad

Image capture of video by GMA News via YouTube account

Nakita ang mga video ng karahasan at terorismo sa cellphone ng napatay na bandidong si Saad Samad Kiram ‘Abu Saad’ sa Bohol.

Ipinakita ng media ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) 7 ang ilan sa mahigit na 200 na video na nakuha kay Saad.

Itinanggi ng CIDG 7 na dito sa Pilipinas nakunan ang video.

Isasailalim pa sa forensic examination ang cellphone ni Abu Saad, ayon sa ulat ng Saksi.

Saad sa inisyal na ulat ng Balitang DF, napatay si Abu Saad noong Biyernes nang nagtangka itong tumakas habang inililipat ng kulungan.

Idineklarang dead on arrival ng mga doktor sa Gov. Celestino Gallares Memorial Hospital sa Tagbilaran City si Saad.

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito: