PAO chief sa CHR: Kung iimbestigahan ang pagkakapaslang sa Abu Sayyaf, dapat ring imbestigahan pamumugot ng mga bandido

Image from Atty. Persida Acosta's Facebook account

Tila itinataguyod ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga gawain ng teroristang grupong Abu Sayyaf sa ginawa nitong paglulunsad ng imbestigasyon sa pagkamatay ng isang bandido sa kamay ng mga pulis, ayon kay Public Attorney’s Office (PAO) chief Atty. Persida Rueda Acosta.

Ang CHR ay bumuo kasi ng isang fact-finding group upang siyasatin ang mga pangyayari sa likod ng pagkamatay ni Abu Saad matapos nitong tumakas sa mga awtoridad habang inililipat mula sa Bohol Provincial Police Office patungo sa district jail.

Ayon sa ABS-CBN, sinabi umano ni Atty. Acosta na kung kaya ng CHR na siyasatin ang pagkamatay ng isang miyembro ng Abu Sayyaf, dapat din umanong imbestigahan at kondenahin nito ang mga pamamaslang at pamumugot na ginagawa ng mga bandido.

“Ang suggestion ko sa CHR, kung iimbestigahan nila ang mga napatay na Abu Sayyaf during encounters o kaya in the hands of law enforcers during their detention, imbestigahan din sana nila yung mga sitwasyon na ang Abu Sayyaf namumugot ng ulo, pumapatay at kondenahin din nila ang Abu Sayyaf, para patas po,” wika ni Acosta.

“Kasi baka ang maging dating lang — pasintabi sa CHR — mas palalakahin mo ang advocacy ng Abu Sayyaf kesa sa advocacy ng pulis,” dagdag pa ng PAO chief.

Source :

ABS-CBN, Inquirer