PNP chief, muling hinamon ng barilan ang mga police scalawags matapos mahulihan ng droga ang isang pulis

Image from Eagle NewsImage from Eagle News

Nagpahayag ng pagkadismaya si Philippine National Police Director General Ronald De la Rosa matapos na mahuli ang isa na namang pulis na sangkot sa ilegal na droga.

Ayon sa Philstar, dahil sa naramdamang pagkadismaya ng PNP chief ay hinamon nito ng barilan ang mga police scalawags dahil, aniya, ay napapagod na siya na makiusap sa mga ito.

Binitiwan ni Gen. De la Rosa ang hamon matapos niyang komprontahin si Police Officer 1 Fernan Manimbo, 33-taong gulang, sa Teresa, Rizal. Nahulihan si Manimbo ng shabu na may timbang na 100 gramo at tinatayang aabot sa P300,000 ang halaga.

Itinanggi naman ni Manimbo na siya ang may-ari ng shabu na nasamsam sa loob ng bahay niya at pinabulaanan ang paratang na sangkot siya sa ilegal na droga. Hindi naman pinaniwalaan ni De la Rosa ang alibi ng pulis.

Si Manimbo, ayon umano sa pagsisiyasat, ay may kaugnayan sa drug lord na si Amin Boratong.

Source :

Philstar