Public school teacher, arestado sa pagbebenta ng iligal na droga

Image by MMT

Nahaharap ngayon ang isang guro sa pampublikong paaralan sa Digos City, Davao Del Sur sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, ang guro ay kinilalang si Kristine Deluao, 43-anyos, na inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos magbenta sa asset na nagpakilalang buyer. Nasamsam mula sa suspek ang sachet ng  “shabu.”

Si Deluao ay guro ng Digos City National High School sa loob ng 14 taon at nagpositibo rin sa illegal narcotics.

Ayon kay Noli Nephi Dimaandal, spokesperson ng PDEA Region 9, aniya, si Deluao ay ikalawa sa priority list of drug pushers ng ahensya.

She has been under surveillance for a month. She was caught while selling one sachet of shabu worth P1,000,” ani Dimaandal sa lokal na diyalekto.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang guro.

Inirekomenda rin ng PDEA ang paghahain ng kasong administratibo laban sa guro  sa pamunuan ng DepEd upang ito’y maialis sa serbisyo.

Source :

ABS CBN