Pulis-Catandunes na nagbitiw sa tungkulin, handang humarap sa Senado upang isiwalat ang EJK, korapsiyon sa kanilang bayan

Imahe mula sa GMA video via You TubeImahe mula sa GMA video via You Tube

“If invited by the Senate, I have no reservation.”

Handa umanong  dumalo sa pagdinig sa Senado si PO1 Vincent Tacorda upang patotohanan ang kaniyang mga akusasyon sa mga tiwaling opisyal sa  kanilang probinsiya. Ito’y  kasunod din ng  Resolution No. 358 ni Senador Leila De Lima na humihiling sa Senado na ito’y ikonsidera; ayon sa ulat ng PhilStar.

I am willing to expose everything that I have said in my previous interviews, especially the anomalies in the province of Catanduanes. I would like to clarify, however, that I am not against the president. I am only against the corruption and irregularities perpetrated by some ranking police officers in my province,” dagdag pa nito.

Ayon kay  Tacorda, ipinagbigay-alam sa kaniya ng isang mataas na opisyal sa Camp Simeon Ola in Legazpi City, Albay  na dapat pa rin siyang mag-report  sa opisina sa kabila ng kaniyang  irrevocable resignation.

Dagdag pa ni Tacorda, maaaring malagay sa kahihiyan ang kapulisan sa kaniyang exposé lalo na sa diumano’y extra-judicial killings. Pinakiusapan din daw siya na huwag magsalita  sa media lalo na sa ikasasama ng PNP.

Magugunitang nagbitiw sa serbisyo si Tacorda dahil umano sa hindi masikmurang korapsiyon at extra-judicial killings sa Catanduanes, Bicol.