Ruben Ecleo Jr. gusto nang sumuko, pero may kondisyon

Image from PULPolitika

MAYNILA, Pilipinas  –  Nais na umanong sumuko ni dating Dinagat Rep. Ruben Ecleo Jr., subalit may inilatag itong kondisyon; ito ay ayon Atilano Fabella, iang retiradong pulis at miyembron ng kultong Philippine Benevolent Missionaries Association (PBMA) na pinamumunuan ng puganteng mambabatas.

Si Ecleo ay nahatulang nagkasala sa kasong parricide dahil sa pagpatay nito sa sariling asawa na si Alona noong 2002 sa Cebu City. Si Alona ay pinaniniwalaang sinakal ni Ecleo.

Ayon kay Fabella, susuko umano si Ecleo kapag binuksan muli ang kaniyang kaso at na-disbar ang kaniyang mga dating abogado.

“He is just here in the Philippines, and he will face whatever happens as long as his two lawyers will be disbarred, and his case will be reopened,” ani Fabella.

Ang tinutukoy ni Fabella ay sina  Orlando Salatandre Jr. and Giovanni Mata na inakusahan ni Ecleo na tumanggap umano ng suhol mula sa pamilya ng namatay para lamang madiin sa kaso ang kontrobersiyal na lider ng kulto.

Mismong si Fabella ang nagsampa ng disbarment case laban kina Salatandre at Mata sa Korte Suprema kamakailan.

Mahigpit namang pinabulaanan ni Salatandre ang mga paratang at sinabi nitong ginawa nila ang lahat para sa dating abogado subalit natalo pa rin sila sa kaso.

“But what can we do? The court still convicted him (Ecleo). We presented complete evidence but the judge just did not appreciate them,” paliwanag ni Salatandre.