Sa Pagkakaaresto ng Suspek sa ‘Quiapo Blast’ noong Abril 28, Kaso hindi pa itinuturing na sarado

Larawan mula sa Twitter ni Dennis Cabral DatuLarawan mula sa Twitter ni Dennis Cabral Datu

Maaaring naresolba na ang kaso sa pagpapasabog sa Quiapo nitong Abril 28 ngunit hindi pa ito maituturing na case closed o sarado na matapos maaresto ang isang suspek na ngayo’y nasa kustodiya na ng  Philippine National Police (PNP); ayon kay Chief Supt. Joel Coronel.

Nilinaw din ni Coronel na hindi ISIS ang nasa likod ng naganap na pagapapasabog matapos angkinin ng mga bandidong grupo na sila ang responsable sa pagpapasabog. “This incident is a local peace and order problem concerning personalities residing in the area,” ani Coronel.

Ayon sa ulat ng GMA, ang suspek ay kinilalang si Abel Macaraya, na kasalukuyang nasa kustodiya na ng PNP. Siya’y iniharap sa press con nitong Mayo 8. Itinanggi rin ng suspek na siya’y miyembro ng ISIS.

Ayon kay Coronel, sila’y nagsasagawa na ng manhunt operations upang mahuli ang dalawa pang suspek na kinilalang sina Ali Moro at Raymond Mendoza.

We consider this case solved, but not closed,” ani Coronel. “We need to effect the arrest of all perpetrators.”

May kabuuang 14 katao ang sugatan sa naganap na pagsabog sa Quiapo noong Abril 28. Nauna nang inihayag ng PNP na ito’y paghihiganti kasunod ng isang gang war na nag-ugat sa pambubugbog ng isang menor de edad.

Source :

Twitter, GMA, ABS CBN