Sandara, nangangarap pa rin na maka-loveteam si John Lloyd

Mga imahe mula sa Facebook

Sa gitna ng kasikatan, sa Pilipinas man o sa Korea, ay nangangarap pa rin ang singer-actress na si Sandara Park na maging ka-loveteam ang aktor na si John Lloyd Cruz.

“Noon pa, lagi kong sinasabi na si John Lloyd Cruz. Kasi iba talaga ang mata niya habang umaarte siya, ‘di ba? Yeah, I wanna do a romantic-comedy movie with him, kung magkakaroon ng chance,” wika ni Park, ayon sa PEP.

Sa ngayon ay masaya si Park dahil kahit nag-disband na ang kinabibilangan niyang K-Pop group na 2NE1 ay nabigyan naman siya ng pagkakataong makagawa ng pelikula sa Korea, ang One Step.

“Sabi nila, mas mahirap talagang pumasok sa movie world kaysa sa Koreanovela. So I’m really very thankful,” saad ni Park.

Ang kanyang leading men sa One Step ay sina Hae Jae-Seok [Speed Angels] at Chong Dong-i [The Stone].

Napabalita rin na sa susunod niyang pelikula ay makakasama niya ang sikat na Korean actor na si Song Joong-Ki, na siyang lead actor ng Descendants of the Sun.

Samantala, narito ang kanyang pahayag hinggil kay John Lloyd Cruz. Panoorin:

Source :

PEP, Abante, YouTube