Senior Citizen, labis ang pasasalamat dahil sa pag-hire sa kaniya bilang tour guide sa Ilocos Norte

Public Domain/ ABS CBN Facebook pagePublic Domain/ ABS CBN Facebook page

Hindi naging hadlang para sa 63-anyos na Henry Yaplito ang kaniyang edad upang makapagtrabaho bilang tour guide sa Taoid Museum sa Laoag City.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, si Yaplito ay dating OFW sa Saudi Arabia na bumalik sa Pilipinas noong 2004 kasama ang kaniyang llokanang asawa.

Walang pension ang mag-asawa ngunit nakaipon ng sapat upang makapagpatayo ng sari-sari store na kinalaunan nama’y nagsara.

Pinasok ko ang summer job because I want to earn money for food, at the same time for medicine for my wife,” ani Yaplito.

Nagsimula si Yaplito na maging tour guide noong Abril 3 sa kagandahang-loob ng Summer Tourism Job para sa mga senior citizens na inorganisa ng Ilocos Norte Provincial Government.

Labis namang nagpasalamat si Yaplito sa oportunidad na muling makapagtrabaho.

Ang pagiging tour guide, maganda. At least nakaka-earn ka ng knowledge. Two days ko lang inaral, ayun kinaya ko naman,” aniya.

Isa lamang siya sa 17 senior citizen at mga retiradong na-deploy sa naturang museum at simbahan sa Ilocos Norte.

Umaasa naman itong pahahabain ang kaniyang trabaho hanggang Disyembre.

Kahanga-hanga si Yaplito sa kaniyang pagiging responsable.  Sa halip na magpahinga dahil sa kaniyang edad,  heto siya’t nagtrabaho para sa kaniyang asawa.

Sana sa ibang provincial government ay may mga ganito ring programa, ‘ di ba?

Source :

ABS CBN