Snatcher na kinuyog ng taumbayan, ginamit pa ang Pangilinan Law para hindi makasuhan

Image capture of video by GMA News Image capture of video by GMA News

Isang snatcher ang kinuyog at binugbog ng taumbayan matapos nitong manghablot ng cellphone ng biktima.

Sa ulat ng GMA, nakaangkas sa motorsiklo na minamaneho ng kasabwat ang suspek na si  Mark Buenaventura nang agawin niya ang cellphone ng biktima alas-tres ng madaling-araw noong Martes, ika-16 ng Mayo, sa harap ng isang bilyaran sa Tomas Morato, Quezon City.

Nalaglag sa motorsiklo ang suspek matapos siyang haltakin ng mga kaibigan ng biktima at kinuyog na siya ng mga tao. Mabilis naman na tumakas ang kasabwat sakay ng motorsiklo.

Nang maaresto ng mga pulis at dalhin sa presinto, sinabi umano ng suspek na binuyo lang siya ng kasama na agawin ang cellphone.

“Sabi po sa akin ng kasama ko, ‘ayan hablutin mo na,’ ako naman pong tanga… bata po, hinablot ko naman. Pag hablot ko po, ‘di ko naman po nakuha, nahatak po ‘yung kamay ko. ‘Yun na po, nalaglag na po ‘ko sa motor. Iniwanan na po ko ng kasama ko. Binugbog na po ‘ko ng taumbayan,” sabi ni Buenaventura.

Ayon kay Quezon City Police District Station Commander Supt. Pedro Sanchez sinabi raw ng suspek na 17-years-old pa lang siya at wala pa sa hustong gulang na hindi naman nila pinaniwalaan.

“Labing walong taon ang nakarecord dito sa amin. Modus din nila ‘yan na gustong makaiwas sa demanda. Ginagamit nila ang batas na ito para hindi sila makasuhan,” anang opisyal.

Source :

GMA Network