Teen Actor Paul Salas, Pinahanga ang mga Netizen sa Kanyang Six-Pack Abs!

mga imahe mula sa Instagram

Viral ngayon sa social media lalo na sa Instagram ang mga larawan ng teen actor na si Paul Salas matapos niyang i-post ang mga ito na nagpapamalas ng kanyang six-pack abs.

Maraming ginulat at pinahangang netizen ang naturang teen actor na huling nakita sa teleseryeng You’re my Home ng ABS-CBN Kapamilya Network bilang nawawalang bunsong anak nina Dawn Zulueta at Richard Gomez.

Matapos ang halos apat na buwan, napaganda ni Salas ang kanyang katawan sa pamamagitan ng pagji-gym.

Aniya, hindi siya makapaniwalang magiging viral ang kanyang mga larawan. Wala raw sa plano niyang i-post ito sa social media subalit hinikayat siya ng kanyang daddy at mga kaibigan upang may makitang bago sa kanya ang mga tagahanga.

“Actually, ano lang, siyempre, sa nag-gym nagpi-picture talaga, tinitingnan mo ‘yung improvement mo sa dati mong katawan.”

“Eh itong sina Daddy at mga kaibigan ko, pinipilit ako, ‘Sige, i-post mo para may makita naman silang iba.’ Sabi ko, ‘Sige, ita-try ko, bahala na kung magka-bashers man ako o sabihin na mayabang ako.’ Pero okay naman pala,” pahayag ni Salas sa isang panayam.

Nagulat na lamang siya nang magsulputan ang kanyang mga follower at online supporter sa kanyang mga social media account.

“Nababasa ko madaming nag-admire sa Twitter, ‘yung mga gay sites na ganun, ‘yung iba may mga account sila na mga gym goer din gaya ko, as in madami talagang followers,” sagot ng aktor.

Hindi rin naiilang si Salas na dumami ang mga “gay netizen” na humahanga sa kanya.

“At least, nadagdagan ‘yung supporters ko. Wala naman sa akin ‘yun kahit pa gay ang sumusuporta sa akin. Nakakatuwa nga rin kasi ang kulit eh,” pag-amin ni Salas.

Bukod sa ginusto niya talagang mahulma sa ayos ang kanyang katawan, inamin ni Salas na ginawa niya ito bilang paghahanda sa mga susunod na proyektong gagawin niya.

“Hindi naman po. Actually, naisip ko na habang wala naman akong ginagawa, bakit hindi ko pagandahin ang sarili ko, kung ano ‘yung gusto ko talaga. Like ‘yung mag-work out at mag-basketball.”

“Saka I believe this will also help me when I get back to doing teleserye. I can now afford to play more mature roles and not just pa-cute roles.”

Sa kasalukuyan ay single si Salas dahil nagtapos na ang kanyang relasyon sa non-showbiz girlfriend. Aniya, “pagkakaiba ng mundo” ang naging dahilan ng hiwalayan.

Si Paul Salas ay kasama sa cast ng pinakabagong pelikula ng Star Cinema, ang Dear Other Self kasama nina Jodi Sta. Maria, Joseph Marco at Xian Lim.