[Trending] Masuwerteng estudyanteng Pinay, binati ni Emma Watson sa pamamagitan ng FaceTime

Image from Therese Kiana's Facebook account Image from Therese Kiana's Facebook account

Sobrang tuwa ang naramdaman ng isang estudyanteng Pinay na binati ng sikat na British actress at model na si Emma Watson na sumikat noon sa mga pelikulang Harry Potter bilang si Hermione Granger at ngayon naman ay bumida sa box-office hit movie na “Beauty and the Beast.”

Ayon sa kanyang Facebook post, sinabi ni Therese Kiara na tinawagan siya ng kanyang ina sa pamamagitan ng FaceTime, video at audio calling service na gawa ng Apple Inc. Aniya, nasa bahay siya noon at nagre-review para sa kanyang biology exam nang tawagan ng ina para sabihing nakatayo sa likuran niya si Emma Watson.

Nilapitan umano ng ina ni Therese si Emma at sinabing nais siyang makita ng anak pero nasa bahay ito at nag-aaral. Tinanong ng nanay ni Therese ang aktres kung maaari niyang batiin ang estudyante on cam. Magiliw namang nagpaunlak si Emma.

“Sure,” ani Emma Watson.

“Hi, study hard,” bati ng aktres kay Therese na halos hindi makapaniwala sa kanyang naranasan.

Lalo umano siyang ginanahan sa pag-aaral.