Tsismis, Malapit nang maging Krimen

File photo

Sa oras na maisabatas ang House Bill 815 ni Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe ay parurusahan na ang mga tsismoso at tsismosa sa lugar ng pinagtatrabahuhan, gaya ng opisina, business establishment o anumang uri ng workplace.

Ayon sa ulat ng Abante, target na gawing krimen ang pagkakalat ng mapanirang tsismis laban sa kaopisina dahil itinuturing itong anyo ng bullying alinsunod sa “Anti-Office Bullying Act of 2016” na ito ni Batocabe.

The circulation of rumors, gossips, and false rumors against a person, management by threat and intimidation, and credit grabbing from one person will be pena­lized under the proposed bill.”

Mananagot ang Human Resource (HR) Management ng opisina kapag may naging kapabayaan ito upang protektahan ang kanilang mga empleyado laban sa paninira ng kanilang kapwa empleyado.

Ayon pa kay Batocabe, napapanahon na upang supilin ang mga naninira sa kapwa empleyado na maaaring makaapekto sa pagkatao at trabaho ng biktima. Hindi pa malinaw ang parusa sa mga tsismoso at tsismosa sa mga opisina at maging sa pagpapabaya ng kanilang HR officers.

Bullying in the workplace is often overlooked and unheeded by organizations, human resource managers and administrative personnel until it results to irremediable damage to our workers,” ani Batocabe.

We want emplo­yees to work in an environment with a sense of dignity and security. The employees should have the avenue to perform their duties and responsibilities without the anxiety of physical, mental, and emotional harm,” dagdag pa ng mambabatas.

Nitong Enero, pitong nayon sa bayan ng Binalonan, Pangasinan ang mahigpit na nagpapatupad ng anti-tsismis at anti-ingay  policy.