Ulo ng tao at chop-chop na parte ng katawan, lumutang sa Pasig River

Image capture from You Tube videoImage capture from You Tube video

MAYNILA, Pilipinas  –  Isang plastic bag na may lamang ulo ng tao at ilang chop-chop na parte ng katawan ang natagpuang palutang-lutang sa bahagi ng Ilog Pasig sa Baseco Compound sa Tondo,  Maynila nitong Martes.

Kinumpirma ng Coast Guard na bahagi nga ng katawan ng tao ang nakuhang putol na ulo at mga lamang-loob.

Natagpuan umano ng mga batang namamasura ang naturang plastic bag at nang buksan ito ay tumambad sa kanila ang mga putol na bahagi ng katawan na naagnas at nangangamoy na.

Kuwento ng residente na si Rodolfo Serdoncillo, nakita niyang pinagkakaguluhan ng mga bata ang supot at nilapitan niya ito. Mistula umanong matagal nang itinapon ang nasabing mga parte ng katawan.

Nitong Lunes, mayroon ding natagpuang mga putol na kamay at braso malapit sa lugar. Hindi naman matiyak ng pulisya kung iisa lamang ang may-ari ng mga nasabing bahagi ng katawan.

Ayon naman kay police Senior Insp. Randy Veran, wala silang natatanggap na report tungkol sa missing person kaya nananawagan siya sa sinumang naghahanap ng nawawalang kamag-anak na makipag-ugnayan sa kanilang opisina.

Narito ang ulat mula sa Balitanghali: