[Video] 100 Units ng Nokia 3310, Naharang ng Bureau of Customs Mula sa isang Chinese National

Imahe mula sa video ng GMA via You Tube

Naharang ng Bureau of Customs mula sa isang Chinese national ang 100 units ng Nokia 3310 na aabot sa P400,000 halaga ng mga cellphone.

 Ayon sa ulat ng GMA, walang import permit ang Chinese national na nahulihan din ng baril.

Hindi pa tiyak kung original ang mga 3310 units pagkat wala pang opisyal na paglulunsad nito sa bansa. Nakatakda pa lamang ilunsad sa kalagitnaan ng  Mayo ang  Nokia 3310 sa Europe.

May mga nai-spotan nang peke o clown na bersyon ng Nokia 3310 sa ibang bansa sa South East Asia tulad ng Malaysia.

Nitong Pebrero ay naiulat na muling magbabalik ang Nokia 3310 sa mercado. Ang Nokia 3310 ay isang classic feature phone na pinupuri dahil sa kaniyang mahabang battery life at durable casing.

Ito’y naunang inilabas noong Setyembre 2000 bilang kasunod na modelo ng 3210. Sa kabila ng tagumpay ng kumpanya sa paglalabas ng high-quality feature phones, ang Nokia ay hindi napanghinaan ng loob na makipagkompitensiya sa mga malalaking smarthphone company matapos ang ilang dekada.

Panoorin ang ulat  na ito mula video ng GMA: