[Video] Estudyante, Kinuyog at Hinoldap sa Maynila; Crimonology Student na Suspek, Arestado

Imahe mula sa ABS CBN video

Kaawa-awa ang  sinapit ng isang estudyante na hinoldap at kinuyog ng apat na lalaki  sa Panay St., Sampaloc Maynila, pasado alas-3 ng madaling araw nitong Mayo 8.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, ang biktima ay kinilalang si Andrew Merez na kasama ang kaniyang girlfriend na naglalakad nang lapitan at bugbugin ng mga lalaking nakamotorsiklo.

Mapapanood sa CCTV footage na naglalakad si Andrew kasama ang kaniyang kasintahan nang may mga dumaang lalaking nakamotorsiklo. Lumampas sila nung una at ilang sandali pa’y bumalik ang mga ito. Iyon na ang simula ng gulo.

Matapos kuyugin tinangay umano ng mga suspek mula sa biktima ang pera at kuwintas nito. Nagtamo naman ng mga pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Merez. May malaking bukol rin ito sa ulo at pumutok ang nguso dahil sa pambubugbog.

Arestado ang isa sa mga suspek na si  Agner Gagarin, isang Criminology student.  Ayon sa mga awtoridad, naudyukan umano ang mga suspek na gulpihin si Merez.

Desidido ang pamilya ng biktima na magsampa ng kasong physical injury at robbery laban sa suspek.

Paalala naman mga awtoridad na iwasan ang paglalakad ng alanganing oras upang makaiwas sa mga masasamang loob

Panoorin ang video na ito ng ABS CBN: