[Video] Kahanga-hanga! Lalaki na Nakapulot, Nagsauli ng P100K sa May-ari, Hindi Nagpakilala

Image capture of video by ABS-CBN News

“Sa kabila ng kaniyang kabutihan ay hindi siya nagpakilala.”

(Iloilo City) Isinauli ng isang hindi nagpakilala na lalaki ang napulot niyang sling bag na naglalaman ng mahigit sa P100,00 na nawala ng isang negosyante.

Nakahinga nang maluwag si Leo Dumancas nang maibalik ang kanyang bag at pera.

Nawala ni Dumancas nitong Biyernes sa parking lot ng isang ospital ang kanyang bag na naglalaman ng salaping pambayad umano sa hospital bill ng kaniyang ina, saad sa ulat ng DZMM.

Ani Dumancas, kinuha niya ang kanyang helmet at jacket at napabayaan niya ang kaniyang bag.

Naipatong pala ni Dumancas ang kaniyang bag sa katabing motor na pagmamay-ari ng isang residente ng Guimbal, Iloilo.

Balak naman ng lokal na pamahalaan ng Iloilo na kilalanin ang kabutihang loob at katapatan ng nagsauli ng pera kahit na tumanggi itong magpakilala sa may-ari ng pera.

“If there are heroes, present day heroes, siya na ang present day hero of Guimbal, rare breed eh,” ayon kay Mayor Oscar Garin, Sr.

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito:

I-click ang imahe upang mapanood ang video mula sa ABS-CBN