[Video] Kahanga-hanga! Mag-asawa Tumutulong sa mga Sugatang Aso’t Pusa sa Kalsada

Image capture of video by GMA News via YouTube account and image via Facebook page of Front Row

“Minsan naiisip ko po kung tama ba ang ginagawa ko na pagre-rescue, siguro naman tama kasi kung ganoon, nabigyan ko sila ng second chance na mabuhay.”

(Tondo, Maynila) Salat man sa buhay, hindi naging hadlang sa mag-asawa na tumulong sa mga sugatang aso at pusa sa kalsada.

Patuloy pa rin na ginagawa nina Luzviminda Morales at Ritchelle Quito ang kanilang pagtulong sa mga nasabing hayop.

 

Bukod pa rito, mistulang naging bahay na rin ng mga hayop ang tahanan nina Morales at Quinto, saad sa ulat ng Front Row.

Naisip din nina Morales at Quinto na mag-post sa social media ng mga larawan ng mga nasagip nilang mga hayop upang makatulong sa pantustos sa mga ito at mabigyan ito ng mga agarang tulong.

Bukas din sina Morales at Quinto sa mga tao na gustong umampon sa mga hayop na kanilang nasagip.

Sa mga nais na tumulong at makipag-ugnayan kina Morales at Quinto ay maaari silang matawagan sa numerong: 0923-425-6793.

Panoorin ang iba pang detalye sa mga video na mula sa GMA Public Affairs at sa Facebook account ni Luzviminda Anne Santos Morales:

 

Source :

GMA, Facebook, YouTube