[Video] Kahanga-hanga! Naggagandahang Gown na mula sa Basura, Obra ng Pinoy Artist; Tanging Naka-display sa World Economic Forum sa Cambodia

Image capture of video by GMA News via YouTube accountImage capture of video by GMA News via YouTube account

“Iba talaga ang gawa at husay ng mga Pinoy!”

Agaw-pansin ang mga nagagandahang gown na mula sa basura na ginawa ng isang Pilipino artist na bukod-tanging obra na napiling  mai-display sa 2017 World Economic Forum (WEF) sa Cambodia.

Ang mga nasabing gown ay gawa ni Francis Sollano; isang young entrepreneur mula sa Cebu. Siya ay nakapagtapos sa University of the Philippines (UP).

Ayon kay Sollano, ang exhibit na ito ay tungkol sa ancient civilization sa Pilipinas. Aniya, ipinakikita nito kung paano gumawa ang mga alchemist ng bagong ginto mula sa hindi tunay na ginto.

Paliwanag pa ni Sollano, ito ay tulad ng mula sa basura kung saan ay nakagawa ng isang bagay na maganda.

Bukod sa pagiging trashion at installation artist ni Sollano, isa rin siyang humanitarian at youth ambassador.

Saad ni Sollano, mahalaga sa kaniya ang pangangalaga ng kalikasan kaya nais niyang isulong ang “sustainable fashion” upang mabawasan ang global waste.

Dati ring nakatrabaho ni Sollano ang Cebu pride at World renowned furniture designer na si Kenneth Cobonpue.

Tunghayan ang mga nagagandang gown na gawang Pinoy mula sa videos ng World Economic Forum at UB GMA:

The future of fashion? Trashion.

Source :

GMA, YouTube, Facebook