[Video] Kakaiba! Kababaihan tumatagay habang naglalaba, may ‘Floating tanggero’

Imahe mula sa Facebook account ni Christian Solpico Companero

Wala na sigurong tatalo sa mga Filipino pagdating sa pagiging malikhain; mapaliit o mapalaking bagay.

Nag-viral ngayon sa social media ang video ng grupo ng mga kababaihang tumatagay habang naglalaba sa isang ilog na sinasabing sa Brgy. Taytay, Nagcarlan, Laguna.

Ang video ay ibinahagi ni Christian Solpico Companero sa kaniyang Facebook account nitong Mayo 16. Ito’y may caption na “Pang patanggal antok ng mga maglalaba!!ready daw ang bangka!!”

Sa video ay mapapanood ang grupo ng mga kababaihang naglalaba sa isang ilog. Habang naglalaba kapansin-pansin ang isang maliit na palanggana na may lamang pagkain at dalawang baso, at ang isa nito’y tila alak ang laman.

Sa kasagsagan ng kanilang paglalaba, pinagpapasa-pasahan nila ang palanggana na nagsilbing tanggero na ipinaaanod sa ilog na kanilang pinaglalabahan. Bawat isa’y tumatagay at namumulutan habang naglalaba.

Makikita rin sa video na sa ilog din sila naghuhugas ng kanilang mga kamay, nagbabanlaw ng baso maliban sa pagbabanlaw ng kanilang mga nilabhang damit.

Umani naman ito ng katatawanan sa ilang mga netizens.

Hehe ingat lang po bka malasing at mahulog kayo sa tubig.”

Di pa matatapos labahan mga lasing na ang mga yan hahhaha… pero gusto ko yong labahan nila ha. Ang ganda.”

Ayos…hahaha d n mkpagsampay mgA yan…tumba na hihihihi …katuwa.”

As of  posting, ang naturang video ay may 8.3k reactions, mahigit 5,700 shares, 2K comments at 2.8 million vews.

Source :

Facebook