[Video] Lalaki, nagsiga-sigaan sa gitna ng kalsada, muntik pang mambato ng bus

Imahe mula sa Matalinong Matsing Facebook PageImahe mula sa Matalinong Matsing Facebook Page

Likas sa tao ang uminit ang ulo ngunit  hangga’t maaari ay matuto rin tayo magtimpi upang makaiwas sa anumang problema.

Nag-viral ngayon ang video ng isang lalaking tila nagsisiga-sigaan sa gitna ng kalsada at umambang babatuhin nito ang kasunod na pampribadong bus.

Ang video ay ibinahagi sa Matalinong Matsing Facebook page, kung saan ay mapapanood  ang isang lalaki na bumaba sa isang itim na sasakyan sa San Pablo,  Rizal  Liliw Road  San Pablo, Laguna.

Ayon sa caption ng naturang video, walang malasakit at walang pakialam ang lalaki na nag-park pa sa gitna ng provincial road, pagbaba ng sasakyan ay kumuha ito ng bato at akmang babatuhin ang bus. Nag-alala raw ang mga pasehero ng bus na puro senior citizen ang sakay.

Umalis din ang naturang lalaki at nagpasalamat ang netizen na nagpost ng  video sa isang mabuting loob na sinamahan silang makalabas sa San Pablo.

Hati naman ang reaksiyon ng ilang netizen. May nagsabing maaaring may kasalanan ang bus driver at ang iba nama’y nagsabing mayabang lang ang lalaking may itim na sasakyan.

Source :

Facebook